5 UNCOMMON Tagalog Words

   #5 At ang Panghuling Salita ay ang “PANG-ULONG HATINIG” o HEADSET sa Ingles. Ito ay isang Produkto ng teknolohiya na nilalagay sa ulo ng tao upang makinig ng mga musika at pwede rin itong gamitin sa pakikipag-usap sa ibang tao . Naging Headset na ang tawag dito ngayon dahil marami ng musika ang nagsisilabasan sa ating mundo at napakasikat ito sa mga kabataan, at ngayon kabilang na dito ang mga patok na kanta .Dahil sa kagandahan ng melodiya at tono ng mga kanta . Kaya’t hindi mapagkaila na tatangkilikin ito ng mga kabataan. Kaya’t ibat-ibang paraan ang ginagawa nila upang ito ay mapakinggan . Kaya naman mabilis ang pagpalit ng pangalan nito dahil napapabilis din ang takbo ng ating henerasyon .

Advertisements

    #4 Ang Pangapat na salita ay ang “POOK-SAPOT” o WEBSITE sa  Ingles, ay isang lugar sa isang world wide web na nagaglalaman ng impormasyon sa isang pangyayari,  isang grupo at isang tao. At ito rin ay naglalaman ng mga web pages na  pinagsama-sama ng hyperlinks. Sa kasalukuyan , mayroon ng halos milyong website sa buong mundo na may nakarehistrong “domain” . Sa pangkalahatan ang website o pook-sapot ay isa ng dokumento na maaari ng makita sa pamamgitan ng “HTTP”

   #3Ang Pangatlong salita naman ay ang “MIKTINIG. Ang MIKTINIG o MICROPHONE sa Ingles ay ang paggamit nito upang mapalakas ang transmisyon ng iyong boses lalo na kapag ikaw ay nasa malawak na lugar.Maaari din itong gamitin sa pagbabalita, pag-aanunsyo, paghost, o di kaya sa pagkanta. Mabilis ang pagpalit nito ng katawagan dahil masyadong nakapag inpluwensya ang ingles sa ating bansa.

   #2 Ang Pangalawang Salita ay ang “DUYOG”.  Ang DUYOG o ECLIPSE sa Ingles ay nangyayari kapag dumadaan ang buwan sa pagitan ng araw at daigdig, kaya natatakpan nito ang araw. At Nangyayari lamang ito kapag bagong buwan at kapag makakasabay ang araw at ang buwan ayon sa pagkakita nito mula sa daigdig. Gayunpaman, bibihira na lamang ang DUYOG na araw sa kahit anumang lokasyon dahil naroon lamang ang kabuuang DUYOG sa isang makipot na pasilyo sa isang maliit na lawak ng umbra ng buwan.

   #1 Ang unang salita na napili ko ay “YAYAO”, Ito ay isang Isang Salita na ang ibig sabihin ay AALIS O LILISAN ito ang salitang gingagamit ng mga sinaunang tao noon . Pero ngayon ay iilan na lang gumagamit nito dahil umiiba ang takbo ng henerasyon sa ating mundo. At ang mga nakakatanda na lamang ang maka alalala ng salitang ito .